
Kumusta na!
Nandito ako para magpakilala.
ako'y isang payasong pilit nagpapasaya,
pilit nagpapatawa,
nag-iisip ng kung anong mga bagay
na malayo sa katotohanan ng buhay.
Nandito ako para magpakilala.

ako'y isang payasong nagpipilit sumaya,
nagpipilit tumatawa,
nag-iisip ng kung anong paraan
na makapapawi ng kalungkutan.
Nandito ako para magpakilala.
ako'y isang payasong pilit naghahanap,
pilit makakita,
nagbabakasakaling may liwanag
sa madilim na katotohanan.
Nandito ako para magpakilala.
ako'y isang payasong pilit naghihintay,
pilit umaasa,
nag-iisip ng kung anong dahilan
bakit walang kaligayahan.
Nandito ako para magpakilala.
ako'y isang payasong pilit nagtatago,
pilit naglilihim,
nagpapanggap na laging masaya
sa likod ng mga maskara.


No comments:
Post a Comment