earn extra income

Tuesday, August 18, 2009

trahedya ng isang payaso




Isang payaso,
Nagkulong sa kuwarto
Luha'y pumapatak
Hawak ang kalibre trenta'y otso
Tinutok sa sentido
BANG!
Bumagsak ang katawan sa sahig
Sabog ang bungo
Nagkalat ang dugo
Utak ay nilalangaw at iniipis...



Iyan ang tagpong nadatnan ng ikaw ay bumalik


Nataranta at nagsisisi


Ngayon ikaw ay luhaan,


Parang kanina lang masaya kayong namamasyal,


Magkahawak ang kamay,


Tinatanaw ang papalubog na araw.


Dahil lang sa walang kwentang dahilan,


Biglang nagkaroon ng hindi pagkaka-unawaan
Kaya siya ay iyong iniwan...



Mga magangandang pangarap na sabay ninyong bunubuo


Isang tahanan na pinaplanong itayo


Isang masayang pamilya na ipinipinta kapag kayo ay magkasama...


Parang bulang naglaho...






Paano haharapin ang bagong umaga na sana'y kay ganda,

kung nagyon ikaw ay kanya ng kasama....
















__________________________________________________
Do You Yahoo!?
Tired of spam? Yahoo! Mail has the best spam protection around
http://mail.yahoo.com/

Tuesday, August 11, 2009

MAskara ng ISang PAyaSO




Kumusta na!


Nandito ako para magpakilala.

ako'y isang payasong pilit nagpapasaya,

pilit nagpapatawa,

nag-iisip ng kung anong mga bagay

na malayo sa katotohanan ng buhay.


Nandito ako para magpakilala.Add Image

ako'y isang payasong nagpipilit sumaya,

nagpipilit tumatawa,

nag-iisip ng kung anong paraan

na makapapawi ng kalungkutan.


Nandito ako para magpakilala.

ako'y isang payasong pilit naghahanap,

pilit makakita,

nagbabakasakaling may liwanag

sa madilim na katotohanan.


Nandito ako para magpakilala.

ako'y isang payasong pilit naghihintay,

pilit umaasa,

nag-iisip ng kung anong dahilan

bakit walang kaligayahan.


Nandito ako para magpakilala.

ako'y isang payasong pilit nagtatago,

pilit naglilihim,

nagpapanggap na laging masaya

sa likod ng mga maskara.

Friday, August 7, 2009

GUSTO KONG BUMAET PERO DI KO MAGAWA


Have you ever heard this line "GUSTO KONG BUMAET PERO DI KO MAGAWA."?

Here are some tips on how to be kind:

Please every people in your environment.(Kailangan mong pakisamahan lahat ng tao kahit na EPAL ito.)

Smile on every person you meet even you did'nt want to. (Kailangan mong matutunan kung paano ngumiti ang mga aso.)

Obey others without hesistation. (Kailangan mong sundin ang pinagagawa sayo kasi masisira ang image nila kapag sila ang gumawa.)

Don't raise your voice even your angry. (Kailangan mog tumahimik nalang kapag galit ka, kaysa naman magdamog ka at magmukhang asong ulol na kahol ng kahol sa sa isang tabi.)

Be patient on others behavior. (Kailangan mong maintindihan na hindi lahat ng tao ay normal, may tao talagang retarded.)

Pet your enemies. (Kailangan mong alagaan yung mga kaaway mo, para kapag namatay sila hindi ka nila multohin.)

Share what you have to others. (Kailangan mong mag-share ng kung anong mayroon ka kahit hindi marunong mag-share yung taong lagi humingi saiyo.)

Do not do unto others, what you want others do not unto you.(Kailangan mong maging mabait sa mga taong mabait din sayo.)

Accept fully heartedly the punishment for others mistake. (Kailangan mo ba talagang maging mabait.)